What's Hot

'Secret Love Online,' January 18 na sa GMA News TV!

By Marah Ruiz
Published January 17, 2021 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Secret Love Online


Magsisimula na sa January 18 ang office rom-com Lakorn na 'Secret Love Online' sa GMA News TV.

Mapapanood not just once but twice ang Lakorn na Secret Love Online sa GMA News TV!

Simula January 18, mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm. Sa parehong araw din mapapanood ang second airing nito, 11:20 pm.

Ang Secret Love Online ay isang romantic comedy na iikot sa apat na empleyado ng isang marketing firm.

Secret Love Online characters

Si Prince (Mark Prin) ang new hire na madalas makatanggap ng tips sa trabaho mula sa isang misteryosong babaeng nagtatago sa username na "Secret Lover" sa isang chat app.

Si Adrienne (Anne Thongprasom) naman ang istriktong boss niya at tunay na taong nasa likod ng mga mensahe ni "Secret Lover." Nahulog kasi ang loob ni Adrienne kay Prince matapos siyang iligtas ng binata mula sa isang aksidente.

Si Camille (Kimberley Anne Woltemas) naman ang isa pang bagong hire na galing sa prestihiyosong university sa ibang bansa. Magiging karibal siya ni Prince sa trabaho, pero hindi niya mapipigilang magkaroon ng secret feelings para sa binata.

Si Albert (Peter Corp Dyrendal) naman ay ang flirtatious na managing director ng kumpanya na may lihim na pagtingin kay Adrienne.

Abangan ang kanilang complicated office romance sa Secret Love Online simula January 18, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GMA News TV. Tunghayan din ang second airing nito sa gabi, 11:20 pm.