GMA Logo miguel tanfelix
What's on TV

Secret mission ni Miguel Tanfelix, nagpakaba sa ''Running Man PH' viewers

By Aedrianne Acar
Published May 12, 2024 9:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

miguel tanfelix


Napakapit sa mga kinauupan nila ang viewers habang nanonood ng trending season premiere ng 'Running Man Philippines.'

Tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik ng Pinoy Runners sa Running Man Philppines sa world premiere nito kagabi, May 11.

Kaya naman agad na naging trending topic pa sa social media site na X (dating Twitter) ang #RMPH2WorldPremiere para sa pilot episode ng second season ng naturang reality show, na collaboration ng GMA Network at SBS Korea.

Bukod sa excitement, nagpakaba rin sa mga manonoo ang ginawang secret mission ng new runner na si Miguel Tanfelix, na naging maingat para hindi mabuko ng OG Pinoy Runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.

Ang anim na celebrity runners ay sumabak sa isang fake press conference habang walang kamalay-malay na naka-disguise si Miguel para gawin ang kanyang first challenge. Kung sakali mabigo ang aktor, agad siyang pababalikin sa Pilipinas.

Kitang-kita naman na aliw na aliw ang mga fan sa makapigil-hininga na misyon ni Miguel.

Pinuri rin ng mga manonood ang opening salvo ng Running Man Philippines season two.

Post sa X ng isang fan, “Ang saya talaga pag may @GMARunningManPH, family bonding na rin namin. Tawa lang kami ng tawa. Tapos yung parents ko si Boss G @glaizaredux na rin ang bias”

Dagdag pa ng isa, “ANG SAYA NG RUNNING MAN PH SEASON 2 HAHAHAHAHAHA HOPING FOR MORE BARDAGULAN TO COME!!!”

Samantala, bago ang grand premiere ng Running Man Philippines kagabi, nagkaroon muna ng big mall show ang mga Runner sa Robinsons Antipolo Main Mall Atrium

A post shared by Running Man Philippines (@gmarunningmanph)

A post shared by Running Man Philippines (@gmarunningmanph)

RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2