
Gaya ng ibang couples, dumaan din sina Sef Cadayona at Nelan Vivero sa challenges sa kanilang relasyon. At ayon sa aktor, nagbunga ang hindi nila pagkakaintindihan sa miscommunication.
Sa pagbisita ni Sef sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 14, ibinahagi ng aktor ang naging hiwalayan nila ng fiancée. Sinagot din niya ang mga post noon ni Nelan tungkol sa pagiging ama niya sa anak nilang si Anya, at sa pagiging partner sa kanya.
“First off, it was a lot to take in. Ang taas ng emosyon na 'yun na that time, we were just recently broken up, kakahiwalay lang namin nu'n so emotions were running high, there were so many problems na hindi namin nata-tackle,” sabi ni Sef.
Pag-amin ng aktor at nagulat siya sa post ni Nelan kaya hindi siya naka-react kaagad. Ngunit paglilinaw ng aktor, nagkaayos na sila ng fiancée at nagkabati na. Wika pa ni Sef, umabot nang halos isang buwan bago sila nagkaayos.
Nilinaw din ni Sef na walang third party sa hiwalayan nila, at sinabing nagkaroon lang sila ng miscommunication.
“It was a from big, to small, to 'Oo na lang, matapos lang 'to.' 'Yung mga miscommunication na hindi napag-usapan nang mabuti na ang laking tulong pala ng hiwalayan kasi du'n lang namin napag-usapan,” sabi ni Sef.
KILALANIN ANG CELEBRITY COUPLES NA NAGKABALIKAN MATAPOS MAGHIWALAY SA GALLERY NA ITO:
Inamin din ni Sef na dumaan siya sa kalungkutan at depresyon dahil sa paniniwala niyang na-disappoint niya ang kanyang pamilya. Sinabi rin niyang si Nelan, si Anya, at ang kanyang Lola Meng ang nakatulong para makawala siya dito.
“Parang naisip ko na ayokong palampasin 'tong pagkakataon na 'to na pinaintindi sa 'kin na ito 'yung mga kakayahang binigay ko sa 'yo, na you have to make use of it. And you have to nurture it, if you can teach it to others, you can, kahit ano. Gamitin mo,” sabi ni Sef.