
“Nakakatuwa lang kasi binibigyan na nila ako ng ganung tiwala." - Sef Cadayona
Taos puso ang pasasalamat ng award-winning comedian na si Sef Cadayona na dahil sa pagiging cast niya sa Bubble Gang, nakikita ng ibang tao ang iba pa niyang potensyal.
Sa press conference ng pinakabago niyang show sa GMA-7 na A1 Ko Sa ‘Yo kung saan ginagampanan niya ang role ni Enzo na isang chickboy photographer, binanggit ni Sef na malaking tulong ang pagiging miyembro niya ng gag show, dahil kinukuha na rin ng creative team ng mga programa niya ang sarili niya mismong inputs.
"'Yun po ‘yung nakakatuwa po kasi nagkakaroon po ako minsan ng privilege pagka siyempre kausap po namin ‘yung mga writers na tinatanong po ako kung ano po ‘yung mga gusto ko for the role and kung papaano po nangyayari ‘yung mga eksena.”
Dagdag ni Sef, “Nakakatuwa lang kasi binibigyan na nila ako ng ganung tiwala. Ang laki po ng factor na dahil nga sa Bubble Gang, nakikita po rin nila ‘yung potensyal ko na puwede rin po ako magsulat.”
“And gumawa rin po ng sketches, hindi lang sa Bubble Gang kundi sa mga nagiging shows ko.”
MORE ON SEF CADAYONA:
LOOK: Sef Cadayona, the new face of Pera Sorpresa and Barangay LSFM
READ: Sef Cadayona on Andrea Torres: "I just love my best friend"