GMA Logo Sef Cadayona
Source: Fast Talk with Boy Abunda & sefcadayona (IG)
What's on TV

Sef Cadayona, emosyonal na inalala ang pag-uusap nila ni Michael V. kaugnay sa pag-alis niya sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published November 18, 2025 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Father, 2 kin arrested over gang rape of daughter
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Sef Cadayona, emosyonal na inalala ang pag-uusap nila ni Michael V. kaugnay sa pag-alis niya sa 'Bubble Gang'

Maraming pa ring batang Bubble ang nakaka-miss sa former Bubble Gang star na si Sef Cadayona.

Matatandaan na sa relaunch ng pambansang comedy show noong 2023 ay hindi na kabilang sa cast members si Sef.

RELATED CONTENT: 'Bubble Gang' cast members flex their smile during photoshoot

Nang mag-guest ang Sparkle comedian sa Fast Talk with Boy Abunda, inusisa ng King of Talk si Sef kung nakapag-usap na sila ni Direk Michael tungkol sa pag-alis niya sa Bubble Gang.

“Meron 'yung mga hindi na vocally kailangan sabihin, pero nagkaintindihan,” sagot ni Sef at hindi na nito napigilan ang maluha.

Sunod na sabi niya, “Ano naman mga tanong 'to Tito Boy, maiiyak na naman ako.”

“I mean, he is my idol. Nung time na nag-StarStruck [ako] everyone was auditioning to be the next leading man. When they asked me, I want to do comedy, I wanna be Kuya Bitoy, Kuya Ogie [Alcasid].

“Since, the day that I started here sa GMA, yun 'yung goal ko. Until, finally, Bubble Gang, natutunan ko 'yung mga technical analysis sa set, how to do comedy by watching and learning from Kuya [Michael V.].”

Binalikan din ni Sef Cadayona ang pagkakataon nang makapag-guest siya sa sitcom na Pepito Manaloto at dito personal niyang nakausap si Bitoy.

“So, it was actually a big deal for me also na nagkaroon ako ng opportunity to guest in Pepito and talk to him directly. That was the first time na nagkaroon kami ng masinsinan na pag-uusap.”

Balikan ang emotional interview ni Sef Cadayona sa Fast Talk with Boy Abunda sa video below.

RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT SEF CADAYONA