What's on TV

Sef Cadayona, gustong magsulat ng mga comedy sketch

By Maine Aquino
Published August 17, 2020 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Ang pagsusulat ay ginagawa na ngayon ni Sef Cadayona sa P.A.R.D.

Nakikita umano ni Sef Cadayona na ang gusto niyang future para sa kanyang career ay ang pagsusulat ng comedy sketches.

Kuwento ni Sef sa Just In, dati ay takot umano siyang magsulat pero nang masubukan niya ito ay nakaramdam siya ng fulfillment.

Sef Cadayona


"Bago kasi magsimula 'yung pandemic, isa sa mga pinakakinakatakutan ko at feeling ko hindi ko kayang gawin is magsulat ng comedy sketches. 'Yun talaga. Parang feeling ko hindi ko siya kaya."

Pagpapatuloy ni Sef, "Sabi ko noong nasubukan ko siya meron siyang ibang saya na naibibigay sa akin tapos makikita mo na nai-a-act out siya ng mga kaibigan mo. Especially ngayon sa P.A.R.D. noong nakita kong nabubuhay kung ano 'yung nasulat. Iba, sobrang iba 'yung fulfilment na parang nakikita ko siya visually.

Dahil dito naisip ni Sef na ito ang gusto niyang gawin sa kanyang career sa future.

"Sa future, nakikita ko talaga na mukhang in the long run, itutuloy tuloy ko itong pagsusulat."

Inamin rin niya na gusto niyang maging direktor dahil nakita niya ang ginagawa ni Boy2 Quizon sa P.A.R.D.

"Siyempre gusto ko rin ma-explore yung pagdi-direct na very fortunate na nandiyan din si Dos. Kasi noong time na nagshu-shoot tayo, in a sense habang pinapanood ko natututo ako e. Lalo na ngayon sa editing. hindi ko in-expect na ganon kadugo ang editing."

Panoorin ang kabuuang kuwentuhan ng P.A.R.D. sa Just In.

Just In: Kuwento sa likod ng grupong "P.A.R.D", alamin! | Episode 13

Just In: Sef Cadayona, thankful pa rin kahit hindi pinalad sa 'StarStruck' noon | Episode 13