GMA Logo Sef Cadayona and Andrea Torres
What's on TV

Sef Cadayona, liligawan ba ulit si Andrea Torres?

By Cherry Sun
Published March 2, 2021 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona and Andrea Torres


Tila may pinaringgan din si Sef Cadayona sa kanyang pagsagot ng controversial question na ito sa 'The Boobay and Tekla Show!'

Kung mabibigyan ng pagkakataon, liligawan ba ulit ni Sef Cadayona si Andrea Torres? 'Yan ang controversial question na sinagot ng Kapuso actor sa kanyang pagbisita kasama si Andre Paras sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, February 28

Sef Cadayona and Andrea Torres

Sina Sef at Andre ang special guests sa TBATS, at unang sumalang ang Game of the Gens hosts sa segment na 'May Pa-PressCon.' Dito ay tinanong sila ng fun-tastic duo at The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Krissy Achino tungkol sa kanilang career at personal na buhay.

Ilan sa juicy questions na kanilang hinarap ay 'Sinong celebrity ang binalak nilang ligawan ngunit hindi nila itinuloy?' at 'Kaninong artista sila nabasted?' Ngunit ang pinakanakakaintriga sa lahat ay ang pagsagot ni Sef tungkol sa kanilang relasyon ni Andrea.

Nang tanungin kung liligawan ba niyang muli ang aktres, napabuntong-hininga muna siya at humirit, “Parang pwede ko nang sabihin, 'Malaki lang katawan mo pero hindi mo ako kayang patumbahin.'”

Paglilinaw din niya, “Hindi ko masasabing liligawan. Reconnect, pwedeng reconnect. Pero happy naman kami ngayon as friends eh. At saka nakakapagkuwentuhan kami paminsan-minsan. Okay na kami doon, okay na 'yun.”

Panoorin ang buong pahayag ni Sef sa video sa itaas.

Sa parehong segment ay hinamon din ng The Mema Squad ang Game of the Gens hosts sa pag-ungol.

Matapos sumalang sa hot seat, sina Sef at Andre naman ang nag-host ng quiz segment na 'Game of the Girls.' Binuo nina Tekla, Ian Red at Skelly ang Team Baka Naman habang sina Boobay, Pepita at Krissy ang naglaro sa Team Para-Paraan.

Napanood din ang bagong segment na 'Ang Harsh' kung saan binasa nina Boobay at Tekla ang mean tweets tungkol sa kanila.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: