What's on TV

Sef Cadayona, magpapatawa at magpapaluha sa '#MPK

By Marah Ruiz
Published February 3, 2022 5:51 PM PHT
Updated February 4, 2022 9:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Bibigyang buhay ni Sef Cadayona ang kuwento ng tao sa likod ng viral na "kapag lumingon ka, akin ka" videos sa '#MPK.'

Bibida si Kapuso comedian Sef Cadayona sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap siya bilang Amado Aguilar o mas kilala sa palayaw niyang Madz.

Dahil sadyang malikhain si Madz simula sa kanyang pagkabata, nagkapagtrabaho siya bilang segment producer ng iba't ibang variety shows sa telebisyon.

Namayagpag ang career ni Madz pero tila sa love life siya binawian ng tadhana. Isang out and proud gay man si Madz pero sadyang hindi makahanap ng matinong lalaking magmamahal sa kanya.

Karamihan dito ay niloko lamang siya, kabilang si Dave, ang karakter ni Mark Herras.

Bukod dito, magkakasakit si Madz at mananatiling nakaratay sa ospital ng ilang buwan--bagay na uubos sa kanyang pinaghirapang ipon.

Makabangon pa kaya si Madz?

Abangan ang "Kapag Lumingon Ka, Kay Madz Ka: The Amado 'Madz' Aguilar Story," February 5, 8:00 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: