What's Hot

Sef Cadayona masaya na nahanap na ni Rufa Mae Quinto ang "Tamang Panahon"

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 8, 2020 5:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News



"Finally, she found her match and were very happy for her." - Sef Cadayona


Busy na ang Bubble Gang comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kanyang nalalapit na kasal sa American-Filipino boyfriend niya sa si Trevor Magallanes.

Sa katunayan, ginanap kahapon (March 30) ang kanyang bachelorette party na dinaluhan ng kaniyang non-showbiz friends.

At isa marahil sa pinakamasaya sa bagong yugto na ito sa buhay ni Rufa Mae ang co-star niya sa gag show na si Sef Cadayona.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com kay Sef ngayong Huwebes ng tanghali sa Studio 7 ng Kapuso Network ibinahagi nito ang kaniyang saloobin sa nalalapit na kasal ng kaniyang kaibigan.

Kuwento ng award-winning comedian na hindi pa daw niya personal na name-meet ang fiancé ni Rufa Mae.

Aniya, "Hindi pa eh, kasi nung mga times na 'yun nasa States sila, so sabi niya bisita kami sa States. What!"

Ubod daw ng saya si Sef na finally nahanap na ni Rufa Mae ang kaniyang "Tamang Panahon" at lahat sila na malalapit sa kaniya ay excited na sa kaniyang wedding.

"Pero hopefully soon, kasi siyempre ang dami na naming pinagsamahan ni Ate Peachy. Masaya naman talaga si Peachy, kasi nga naman di ba. Sabi nga nilang lahat sa tamang panahon. Finally, she found her match and were very happy for her."

MORE ON SEF CADAYONA:

Sef Cadayona namamangha sa production at creative team ng 'Bubble Gang' 

Yummy na, funny pa!