GMA Logo Sef Cadayona
What's on TV

Sef Cadayona, nilinaw ang rason ng hiwalayan nila ng fiancée na si Nelan Vivero

By Kristian Eric Javier
Published November 15, 2025 9:44 AM PHT
Updated November 15, 2025 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P581M worth of recovered assets 'not adequately preserved' by PCGG —COA
December 8, 2025: Balitang Bisdak Livestream
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Mula sa hiwalayan, mas naintindihan at napag-usapan nina Sef Cadayona at fiancée niyang si Nelan Vivero ang kanilang relasyon.

Nilinaw ng aktor at dating Bubble Gang star na si Sef Cadayona ang naging tila hiwalayan nila ng fiancée na si Nelan Vivero.

Nagsimula ito noong Father's Day nitong June nang mapansin ng ilang netizens ang serye ng posts ni Nelan tungkol kay Sef. Sa mga posts na ito, sinabi niyang hindi karapat-dapat maging guest noon ang aktor sa All-out Sundays para sa naturang espesyal na araw.

“First off, it was a lot to take in. Ang taas ng emosyon na 'yun na that time, we were just recently broken up, kakahiwalay lang namin nu'n so emotions were running high. There were so many problems na hindi namin nata-tackle, tapos nagulat ako na nu'ng nakita ko 'yun,” sabi ni Sef sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 14.

Pag-amin ni Sef, hindi niya alam ang kaniyang isasagot noong mga panahon na iyon kaya nanatili na lang siyang tahimik. Ngunit aniya, kahit ano naman ang mangyari ay ina pa rin ng kanilang anak na si Anya si Nelan.

Pagbabahagi ni Sef, umabot nang halos isang buwan mula ng kanilang hiwalayan bago sila muling nag-usap ni Nelan kung saan napagkasunduan nila kung gaano kadalas madadalaw ng aktor ang kaniyang anak.

“And then doon namin na-realize na marami kaming hindi nasabi sa isa't isa, hindi namin na-tackle 'yung mga problemang ganito sa isa't isa kasi hindi ko alam kung dahil para lang ba maging maayos kami?” sabi ni Sef.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Nu'ng nagkahiwalay kami, du'n namin mas naintindihan na kung nakapag-usap kami, hindi kami aabot sa ganu'n. Tapos na-realize namin na 'Kaya pa pala natin ipaglaban, pero 'wag natin gagawin 'to, alang-alang para kumpleto tayo as a pamilya.'”

BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST MOMENTS NINA SEF AT NELAN SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw din ni Sef na walang third party na involved at sinabing ang hiwalayan ay dahil lamang sa miscommunication. Ayon pa sa aktor, naging malaking tulong pa ang kanilang hiwalayan para mas makapag-usap ng maayos.

Sa huli, diretsahang tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Sef, “Pero ito, diretsang tanong, nagkabalikan na ba kayo?”

“Yes, nagkabalikan na po kami. Parang sabi ko nga, maraming challenges na nangyayari sa buhay ko, but gusto ko na unti-unti siyang maayos. Sa partner, sa magulang, sa trabaho, gusto ko maayos lahat para makapag forward lahat,” sabi ni Sef.