Article Inside Page
Showbiz News
Watch Sef Cadayona as the modern 'Juan Tamad' this Sunday (August 23) at 4:30 p.m.
By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY MARAH RUIZ, GMANetwork.com
Pinakaunang title role ng Kapusong komedyante na si Sef Cadayona ang nalalapit niyang pagganap bilang modernong Juan Tamad at siya ang napili ng programa upang muling buhayin ang karakter.
“Ang tagal na namin siyang napapanood sa iba’t ibang comedy programs and entertainment. We really think he’s the next big star in comedy and we wanted to give him that [project]. Ramdam talaga namin na he is [fit for] this project,” ang sinabi ni GMA News TV Vice President and Channel Head Ianessa Valdellon nang tanungin siya kung bakit ang aktor ang kanilang napili.
Napangiti ang aktor at sinabing, “Nagpapasalamat po ako sa GMA dahil pinagkaloob po nila sa akin ang isa po sa mga folk tale o character ng Pinoy na si Juan Tamad.”
“Gusto lang po namin sabihin sa inyo na si Juan Tamad po ay talagang hindi naman siyang likhang tamad, naniniwala lang siya na lagi siyang naghihintay ng tamang panahon,” ang unang binanggit ni Sef tungkol sa kanyang karakter.
Dagdag pa niya, “Isa lang naman po ang layunin niya [ay] mapansin siya ni Marie. Dahil sa gusto niyang magpapansin kay Marie, unti-unti siyang sumisipag, nai-inspire, gumagawa siya ng paraan para mapansin hanggang hindi lang si Marie ang nakakapansin sa kanya, kundi lahat ng taong natulungan niya.”
Sa press conference ng Juan Tamad kagabi (August 18), sinigurado ni Direk Soxie Topacio, ng mga cast at production nito na maraming leksyon ang matutunan sa remake.
“Maganda po ‘yung mga values na ipapakita po namin, lalo na sa mga batang tinatamad mag-aral [at] batang lagi nakatunganga. Ipapakita namin ano ‘yung magiging epekto ‘pag naging ganito ‘yung ginagawa niyo sa buhay ninyo [at] ipapakita po namin ‘yung aral na ‘yun para hindi na po siya tularan ng mga bata,” tiniyak ng makabagong komedyante sa mga manonood nito.
Malaki ang pasasalamat ng binata na makakasama niya ang kanyang kaibigan na si Max Collins sa serye at ilang mga bigating aktor na sina Roi Vinzon, Marissa Sanchez, Gene Padilla at Melanie Marquez .
“Sana [ay] tangkilikin po ninyo dahil hindi lang po siya basta comedy [dahil] lagi po kami nag-i-insert ng family values na I’m sure simula bata hanggang sa mga nanay at tatay nila pati sa lola, makaka-relate. ‘Yung mga lumang jokes ni Juan Tamad, bubuhayin din po natin dito.”
Mapapanood na ang Juan Tamad sa darating na Linggo (Agosto 23), 4:30 p.m. sa Kapuso network.