What's on TV

Sef Cadayona to 'StarStruck' hopefuls: "Dapat po 100 percent ang ibigay ninyo"

By Maine Aquino
Published January 25, 2019 3:16 PM PHT
Updated January 25, 2019 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carlos Yulo, OAJLP Gymnastique advance to finals of Top 12 series in France
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lamang nakipag-bonding si Sef Cadayona sa 'StarStruck' hopefuls na nakapila sa GMA Network dahil nagbigay rin siya ng payo sa mga nagnanais na maging artista tulad niya.

Hindi lamang nakipag-bonding si Sef Cadayona sa mga StarStruck hopefuls na nakapila sa GMA Network dahil nagbigay rin siya ng payo sa mga nagnanais na maging artista tulad niya.

Sef Cadayona
Sef Cadayona

Si Sef ay isa sa StarStruck graduates na nagbigay ng payo dahil alam niya ang pinagdadaanan ngayon ng hopefuls.

Kuwento ni Sef, ang pagpila ay isa lamang sa mga bahagi sa pag-abot ng kanyang pangarap. Dapat umano ay maging matiyaga lamang ang mga hopefuls rito. "Tiisin niyo lang 'yang pilang 'yan ah? Kung gusto niyo talagang mag-artista tiisin niyo 'yan."

Dagdag payo rin ni Sef ay kung panno haharap ang hopefuls sa judges. Aniya, "Gusto ko lang po sabihin sa inyo na good luck, galingan ninyo. Tandaan niyo lang po pagkapumasok na kayo dito sa kuwarto at nandiyan na kayo sa panel, ibigay niyo na po 'yung pinakakaya ninyong ibigay. Ngumiti na kayo, magpaganda kayo, magpaguwapo kayo, magpatawa kayo, drumama kayo, kasi isang beses lang naman po mangyayari ito."

Para kay Sef, pagpasok pa lang ay ready na dapat ang hopefuls na ipamalas ang kani-kanilang mga talento.

"Sayang ang pagkakataon kung tipong 50 or 60 percent lang ang ibigay ninyo. Dapat po 100 percent ang ibigay ninyo kung gusto ninyong maging artista kaya dream, believe, survive!"

Sa mga nais sumunod sa yapak ni Sef, bukas pa rin ang auditions para sa The StarStruck Experience hanggang February 15 sa GMA Annex Building. Para sa mga hopefuls mula sa iba't ibang regions, sundan lamang ang mga audition dates na ito at dalhin ang mga requirements.