GMA Logo Bong Revilla and Lani Mercado birthday bash
Celebrity Life

Sen. Bong Revilla Jr., nagdiwang ng 57th birthday at 50th showbiz anniversary

Published September 27, 2023 10:44 AM PHT
Updated October 6, 2023 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Bong Revilla and Lani Mercado birthday bash


Hindi masukat ang kasiyahan ni Sen. Bong Revilla Jr. no'ng mag-celebrate siya ng birthday at golden anniversary sa showbiz.

Double celebration ang ipinagdiwang ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis star na si Ramon “Bong” Revilla Jr., ang kaniyang 57th Birthday kahapon, September 25, at ang 50th anniversary sa showbiz. At ang kaniyang kahilingan, hindi na para sa kanya, kundi para na sa iba at sa bayan.

Sa interview ng senador at aktor kay Nelson Canlas sa Chika Minute para sa 24 Oras, ipinahayag ni Bong na wala na siyang mahihiling pa para sa kanyang kaarawan.

“Wala na akong mahihiling pa kundi para sa ibang tao na e. I'm so blessed, pasalamat lang ako sa lahat ng blessings na natanggap ko kay God and siguro for my family, they're all doing okay,” sabi nito.

Dagdag pa niya, “For the country siguro, sana makabangon na tayo sa kahirapan.”

Aminado rin ang kaniyang asawa na si Lani Mercado na wala na rin siyang maghihiling pa para sa kanyang mister.

“Alam niyo, ang hirap mag-wish para sa isang taong halos lahat ay meron na. Siguro 'yung health niya, since medyo bumabata na kami, matutukan,” sabi nito.

Ipinahayag din ng dating aktres ang kahilingan nilang mag-asawa na bumalik ang dating sigla ng pelikulang Pilipino.

Ilan sa mga naging panauhin ni Bong sa kaniyang selebrasyon ay ang co-stars niyang sina Beauty Gonzalez, Max Collins, at Raphael Landicho. Present din ang ilang GMA executives tulad nina GMA Network Chairman and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon, at GMA Top Executive Atty. Annette Gozon-Valdez.

Nang tanungin si Atty. Felipe kung ano ang kahilingan niya para kay Bong, ang sagot nito, “Siyempre health, good life and more success.”

Samantala, nag-iwan din ng maiksing mensahe si Atty. Annette para sa aktor, “Alam mo, isa siyang napaka-loyal na Kapuso and he will always be a Kapuso as far as I'm concerned.”

Panoorin ang interview ni Bong dito:

Mapapanood ang "Idol Ko Si Bong: Bong Revilla's 50th Showbiz Anniversary" special sa October 7, 8 p.m. sa GMA, pagkatapos ng Pepito Manaloto.