What's Hot

Sen. Bong Revilla, Jr. on Alden Richards: "Hawig naman kami, lamang lang siya ng kaunting paligo!"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 17, 2020 1:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi naiwasan ni Sen. Bong Revilla, Jr. na magbiro tungkol sa kanyang Indio co-star na si Alden Richards nang makapanayam ito ng press during the show's official pictorial last December. Si Alden kasi ang gaganap bilang binatang Indio bago ito bibigyang buhay ni Senator Bong.


Hindi naiwasan ni Sen. Bong Revilla, Jr. na magbiro tungkol sa kanyang Indio co-star na si Alden Richards nang makapanayam ito ng press during the show's official pictorial last December. Si Alden kasi ang gaganap bilang binatang Indio bago ito bibigyang buhay ni Senator Bong.
 
"Unang una, natutuwa ako na si Alden [ang gaganap sa role]. Hindi humiwalay 'yung character. Unang pumasok 'yung bata, and then 'yung age ni Alden, kaya nung pinagsunod kami halos [walang nagbago]. Hawig naman kami, lamang lang siya ng kaunting paligo dahil bata siya," pagbibiro si Sen. Bong nang hingan siya ng reaction tungkol sa pag-arte ni Alden.
 
Kidding aside, napahanga naman daw ng young actor ang senador. "Bilib ako sa acting niya, ang galing niyang umarte. Sabi ko nga, 'Alden, keep it up. Malayo mararating mo.'"
 
Nagkuwento din si Sen. Bong tungkol sa paghahanda niya para sa title role, especially sa mga sasabihin niyang linya. "Masyadong malalim na Tagalog, at kilometric. Kumbaga, 'subalit, datapwat', ganun ang lenggwahe niya. Pero talagang pinaghandaan namin. Ultimo 'yung character ni Indio, lalabas talaga. Hindi si Bong Revilla makikita niyo kundi si Indio."
 
Dagdag pa niya, "Pati 'yung pagbato ng linya, kung papaano nila ginagamit nung araw, dapat ganun. Walang adlib, kailangan naka-stick ka doon sa script mo. Word for word, 'yun ang bibigkasin mo, so kailangan ang memorization matindi."
 
Dito rin daw sa Indio nakaranas si Sen. Bong ng 'eight-hogs'. "At first naninibago ako kasi sanay ako sa pelikula na after nung [isang sequence] cut ka na. Eh ito tuhog, tapos naka-experience ako dito hindi lang tuhog, [kundi] 'eight-hogs.' Dire-diretso 'yun, walong sequences in one shot. So dire-diretso 'yun pati camera movement, 'yung emotions tuloy-tuloy, 'yung nuances importante. Kailangan iba-iba ang reaction mo sa bawat bitaw ng linya, sa bawat magaganap. Lahat 'yung natutunan ko dito sa Indio."
 
Huwag palampasin ang pinakabagong teleserye ng GMA, ang Indio, ngayong January 14 na sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com