
Inanunsyo ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. na maaari na siyang makalabas ng ospital at ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling sa bahay matapos magpositibo sa COVID-19.
Ibinahagi ito ng actor-politician sa kanyang Facebook account ngayong Lunes, August 24.
Ani Sen. Bong, "Great news po!
"The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home. Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home."
Sa parehong post, nagpasalamat siya sa mga sumuporta at nagdasal para sa mabilis niyang paggaling.
"Maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin. Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes.
"I cannot thank all of you enough."
Sa hiwalay na post, nagpasalamat din si Sen. Bong sa healthcare workers na nagbubuwis ng kanilang buhay para maligtas ang mga taong dinapuan ng COVID-19.
Saad niya, "Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us.
"Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan."
Ayon sa Facebook post ng kanyang misis na si Bacoor City Mayor Lani Mercado noong Biyernes, August 21, nakikipaglaban din si Sen. Bong sa sakit na pneumonia at kailangan ng pahinga at medikasyon.
Maliban kay Bong, nagpositibo rin noon sa COVID-19 ang kanyang mga kapwa senador na sina Senator Sonny Angara at Senator Migz Zubiri.
Celebrities and personalities who have recovered from COVID-19