
Heart described it as, "a moment I didn't expect."
Matatandaan na noong unang ikinasal ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, tutol ang mga magulang ni Heart na sina Reynaldo Ongpauco at Cecilia Ongpauco. Ngunit 'di kinalaunan ay pumayag din naman sila sa pagsasamahan ng dalawa at naging okay ang pakikitungo ng pamilya ni Heart sa kaniyang asawa.
READ: Heart's parents approve of her engagement to Sen. Chiz
Nagsama-sama muli ang pamilya ni Heart sa kasal ng kaniyang kapatid na si Camille Ongpauco. Habang naroon ay may nangyaring hindi inaasahan si Heart, nagmano ang kaniyang asawang si Chiz sa kaniyang ama.
Bakas sa mukha ni Heart at ng kaniyang ina ang kaligayahan ngayong mas mabuti at mas matatag ang relasyon ng kanilang pamilya.
Suot-suot ni Heart ang isang itim na Mark Bumgarner dress sa kasal ng kaniyang kapatid.
Tatak Mark Bumgarner din ang green na gown na suot ni Cecilia Ongpauco.
Nag-post din si Heart ng kanilang family photo.
Mayroon ding kuha sina Heart at Chiz na very sweet and candid.
MORE ON HEART EVANGELISTA AND CHIZ ESCUDERO:
Heart Evangelista on having a baby with Chiz Escudero: "I'm okay with one"
Heart Evangelista, natutong mag-schedule ng meetings mula sa asawa
WATCH: Chiz Escudero does Heart Evangelista's make-up