
Napakaraming viewers at netizens ang patuloy na nagsi-ship sa CapHeath, sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na official housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kabilang dito ang vlogger na si Ser Geybin, o Gavin Capinpin sa tunay na buhay.
Sa kanyang online posts, ilang beses niyang inamin na kilig na kilig siya sa dalawa.
Inilahad din niya sa isang TikTok live video na bumoto noong na-nominate si Heath upang makatulong na hindi ito agad ma-evict sa Bahay Ni Kuya.
Ayon pa kay Ser Geybin, “Huwag na huwag si Caprice mano-nominate, isasanla ko 'yung Iphone 17 pro max ko, huwag na huwag.”
Nanawagan pa siyang suportahan din sana ng iba pang viewers ang paborito niyang housemates na sina Caprice at Heath.
Related gallery: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.
At bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: