GMA Logo Voltes V Legacy
What's on TV

Set ng 'Voltes V: Legacy,' ipasisilip sa '24 Oras'

By Jansen Ramos
Published June 1, 2021 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy


Abangan ang special feature ng '24 Oras' mamayang gabi, June 1, para sa set design ng inaabangang 'Voltes V: Legacy.'

Siguraduhing tumutok ngayong Martes, June 1, sa 24 Oras dahil ipasisilip sa unang pagkakataon ang set ng inaabangang live-action adaptation ng sikat na Japanese anime na Voltes V: Legacy.

Sa special feature ng GMA flagship news program, ipapakita ang interior design ng Skullship, gayundin ang behind-the-scenes ng construction ng set at ang pre-lighting ng stage.

Ang set ng Voltes V: Legacy ay masusing binuo sa isang studio sa Makati kung saan nagte-taping ang much-awaited series.

Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company and Telesuccess Productions, Inc.

Maging updated tungkol sa produksyon ng Voltes V: Legacy dito lamang sa GMANetwork.com.