
Hindi lamang sa pag-arte mahusay ang Sparkle star na si Seth Dela Cruz kundi maging sa kanyang pag-aaral.
Sa Instagram, ibinahagi ng Shining Inheritance actor ang academic achievement na natanggap niya sa kanyang recognition day. Si Seth ay tumanggap ng First Class Honors sa Darwin International School.
Related gallery: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
“When you lean into your passions, you can't go wrong,” sulat niya sa caption.
Bumilib ang veteran actress at Shining Inheritance co-star ni Seth na si Coney Reyes sa achievement ng young actor.
“Wow naman! Congratulations, Seth! God bless you!” comment ng batikang aktres.
PHOTO COURTESY: iamsethdelacruz (Instagram)
Napanood si Seth Dela Cruz sa iba't ibang Kapuso shows tulad ng Kambal, Karibal, Mulawin vs. Ravena, Cain at Abel, Agimat ng Agila, at Start-Up PH.
Samantala, kabilang ang Kapuso star sa cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.