GMA Logo Seth Fedelin, Francine Diaz
Source: tiktoclockgma (IG)
What's on TV

Seth Fedelin at Francine Diaz, nakipagkulitan sa 'TiktoClock'

By Kristian Eric Javier
Published December 19, 2024 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Seth Fedelin, Francine Diaz


Nakisaya at nakipagkulitan sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa 'TiktoClock.'

Nakipagkulitan sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa mga host ng TiktoClock ngayon Huwebes, December 19!

Sa kanilang pagbisita sa TiktoClock, naging parte ng Budol-Budol Gang sina Seth at Francine para sa segment ng show na 'Dobol o Budol.' Tinulungan ng dalawang young stars ang contestants na mahulaan kung ano sa tingin nila ang presyo ng isang two-door refrigerator.

Sumagot din sina Seth at Francine ng mga chika sa 'Sang Tanong, 'Sang Sabog' kung saan isa sa mga sinagot nila ay ang tanong kung bakit sila magka-holding hands sa isang sinehan.

Paliwanag ni Seth, 'Kasi, Mamang Pokwang, masyadong malamig. At saka hindi ko namamalayan e.'

Sa pagpapatuloy ng segment ay unang naupo si Francine sa kanilang Bwi-sit Blaster para sagutin ang mga tanong at trivia tungkol sa iba't ibang trivia.

Bibida sina Seth at Francine sa Metro Manila Film Fest entry na My Future You, isang romantic comedy film na idinerehe ni Crisanto Aquino.

Tumutok sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at GTV. Maaari ring abangan ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.

TINGNAN ANG IBA'T IBANG ENTRIES SA 2024 METRO MANILA FILM FESTIVAL SA GALLERY NA ITO: