GMA Logo mingyu at manila bay
What's Hot

SEVENTEEN's Mingyu shares Manila Bay sunset photos

By Jansen Ramos
Published October 9, 2022 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

mingyu at manila bay


Kinagiliwan ng Pinoy Carats ang pagkuha ng litrato ni Seventeen member Mingyu sa sunset na tanaw sa Manila Bay.

Pinusuan ng netizens ang paghanga ng SEVENTEEN member na si Mingyu sa tanawin sa Manila Bay.

Ibinida ng South Korean rapper sa kanyang Instagram account ang ilan larawang kuha niya sa popular na atraksyon na mayroong unobstructed views ng paglubog ng araw.

Ipinost din niya ang dalawang litrato ng isang ferris wheel na matatagpuan sa tabing dagat na bahagi ng isang mall sa Pasay.

"We got the heart, We got the soul," sulat ni Mingyu sa kanyang caption bago ang "Manila 2022.10.7."

A post shared by 김민규 (@min9yu_k)

Sa comments section, kinagiliwan ang post ni Mingyu ng Pinoy Carats, o tawag sa fans ng Seventeen.

Biro ng isang follower ng SEVENTEEN member, "tambay ng seaside yorn beh?"

Nakakatawang hirit pa ng isang supporter ni Mingyu, "We are breathing the same polluted air.. at least [crying emojis."

Si Mingyu at ang 12 pang miyembro ng South Korean boy band na SEVENTEEN ay nasa bansa para sa kanilang two-night concert na pinamagatang "Be The Sun" sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Gaganapin ang kanilang ikalawa at huling show ngayong Linggo, October 9.

Huling nag-concert ang SEVENTEEN sa bansa noong February 8, 2020 para sa kanilang "Ode To You" world tour.

KILALANIN PA ANG K-POP GROUP SA GALLERY NA ITO: