GMA Logo  SexBomb Girl Aira Bermudez
Source: Eira Bermudez Inovero (FB)
What's Hot

SexBomb Girl Aira Bermudez, natupad ang wish na gawan ng kanta

By Aedrianne Acar
Published December 13, 2025 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beloved local coffee shop finds new home in a cozy standalone café in BGC
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants
Multicab falls into ravine in Ayungon, Negros Or; 8 dead

Article Inside Page


Showbiz News

 SexBomb Girl Aira Bermudez


Dancer-actress Aira Bermudez, kinilig nang malaman na ginawan siya ng kanta matapos ang hirit niya sa 'Your Honor.'

Wish granted para sa SexBomb Girl na si Aira Bermudez na magawan ng kanta.

Nang mag-guest si Aira at Jopay Paguia sa YouLOL vodcast na Your Honor, nagbiro si Aira na sana may gumawa rin ng song na dedicated for her tulad ng OPM band na Mayonnaise na nag-release ng song na 'Jopay.'

Hirit ni Aira sa House of Honorables, “Kasi, mas nauna pa ako sa kaniya. Wala bang Aira?

“Ang tagal ko nang nag-e-expect.”

Kaya ganun na lang ang kilig ng dancer-actress nang malaman niya na may in-upload na song na may title na 'Aira' sa Beep Music YouTube page.

Sa Facebook post ng SexBomb Girl member, post niya, “My appreciation post for this super personal song, created because of our guesting on Your Honor! Hindi na ako magtatampo.

“Sino ang mag-aakala na ang panawagan ko sa 'Your Honor' na gawan ako ng KANTA ay may papatol at gumawa talaga? Wow!!! Kinikilig ako! Maraming salamat talent at effort mo. Big shoutout to Beep Music for being so creative! Maganda talaga at ang sarap sayawin! ️

“Walang masama pakinggan at suportahan. Go stream this!” ani Aira.

Marami na rin nag-aabang sa third installment ng concert ng iconic all-girl dance group, matapos ang sold-out events nila sa Araneta Coliseum noong December 4 at sa Mall of Asia Arena nitong Martes, December 9.

RELATED CONTENT: SexBomb Girls light up Araneta with nostalgic 'Get, Get Aw!' reunion concert