GMA Logo BINI in sexbomb concert
Courtesy: rochellepangilinan IG, bini_ph IG, Glitz PH
What's Hot

Sexbomb Girls at BINI, may surprise collab performance sa 'RAWnd 3' concert

By EJ Chua
Published February 7, 2026 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basyang death toll now 12 — OCD
NBA: With Luka Doncic sidelined, Lakers top Stephen Curry-less Warriors
Boy Abunda hosts online series about money, investing, and financial goals for 2026

Article Inside Page


Showbiz News

BINI in sexbomb concert


May pasabog na collab on stage ang Sexbomb Girls at BINI!

Nagsimula na ulit ang "Get, Get Aw!" reunion concert ng SexBomb Girls.

Sa rAWnd 3 ng hit concert, nasorpresa ang lahat sa paglabas ng BINI bitbit pa ang kanilang pasabog na performance.

Nasaksihan ang collaboration ng SexBomb Girls at BINI na talaga namang kinagiliwan at kinakiligan ng audience lalo na ng fans ng parehong girl group.

Sa Facebook post ng Glitz PH, ipinasilip ang kanilang dance number, kung saan dinig na dinig ang hiyawan ng mga manonood.

Courtesy: Glitz PH

Ang naturang collab on stage ay request ng publiko at ng fans at ramdam sa social media ang saya nila tungkol dito.

Abangan pa ang mga sorpresa ar pasabog na performances sa dalawa pang upcoming SexBomb Girls concert.

Matatandaang naganap ang kanilang unang reunion concert noong December 4, 2025.