GMA Logo BINI in sexbomb concert
Courtesy: rochellepangilinan IG, bini_ph IG, Glitz PH
What's Hot

Sexbomb Girls at BINI, may surprise collab performance sa 'rAWnd 3' concert

By EJ Chua
Published February 7, 2026 11:19 AM PHT
Updated February 8, 2026 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kapihan sa Senado with Sen. Ping Lacson (Apr. 23, 2026) | GMA Integrated News
Pampanga to start river dredging to ease flooding
Mga magsasakang apektado ng init at mahal na petrolyo, binigyan ng GMAKF ng food packs | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

BINI in sexbomb concert


May pasabog na collab on stage ang Sexbomb Girls at BINI!

Nagsimula na ulit ang "Get, Get Aw!" reunion concert ng SexBomb Girls.

Sa rAWnd 3 ng hit concert, nasorpresa ang lahat sa paglabas ng BINI bitbit pa ang kanilang pasabog na performance.

Nasaksihan ang collaboration ng SexBomb Girls at BINI na talaga namang kinagiliwan at kinakiligan ng audience lalo na ng fans ng parehong girl group.

Sa Facebook post ng Glitz PH, ipinasilip ang kanilang dance number, kung saan dinig na dinig ang hiyawan ng mga manonood.

Courtesy: Glitz PH

Ang naturang collab on stage ay request ng publiko at ng fans at ramdam sa social media ang saya nila tungkol dito.

Abangan pa ang mga sorpresa ar pasabog na performances sa dalawa pang upcoming SexBomb Girls concert.

Matatandaang naganap ang kanilang unang reunion concert noong December 4, 2025.