GMA Logo sexbomb girls on family feud
What's on TV

Sexbomb Girls at kanilang Gen Z kids, may showdown sa 4th anniversary finale ng 'Family Feud'

Published March 27, 2026 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shiloh Jolie to make music video debut in Dayoung's 'What's a Girl to Do'
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

sexbomb girls on family feud


Abangan ang showdown ng iconic Sexbomb Girls at kanilang mga anak ngayong March 27 sa 'Family Feud'!

Special four-ever ang tawa, four-ever ang saya anniversary finale ang inihanda ng Family Feud dahil maglalaro ngayong Biyernes ang legendary SexBomb Girls!

Ngayong March 27, makakatapat ng iconic Sexbomb Girls ang kanilang Gen Z kids sa isang survey showdown.

Ang Team “Get, Get” Moms ay binubuo ng mga dancers at singers na nagmarka sa pop culture ng Pilipinas. Nangunguna rito si Aira Bermudez, ang kilalang dance floor leader ng grupo at tinaguriang “reunion queen.” Kasama rin si Sunshine Garcia, isang versatile performer na nakilala rin sa comedy, acting, at hosting habang ginagampanan din ang kanyang papel bilang asawa ni Bulacan Vice Governor Alex Castro. Nariyan din si Monic Icban, na kinikilalang isa sa strongest vocalists ng “SexBomb Singers.” Kumukumpleto sa kanilang team ang fan-favorite at original member na si Weng Ibarra, na naging bahagi ng kasikatan ng grupo noong panahon ng Daisy Siete.

Sa Team Aww-Some maglalaro ang Gen Z achievers na lumaki sa panonood sa kanilang mga ina na sumikat sa entablado.

Kabilang sa Family Feud showdown si Prince Kyle Inovero, ang 25-year-old na anak ni Aira at isang mechanical engineer. Kasama rin si Ramon “Ching” Villanueva, ang 23-year-old na anak ni Sunshine at isang Psychology student na minana ang talento ng kanyang ina sa pagkanta at pagsayaw. Nariyan din si Masumi Diamante, ang 18-year-old na anak ni Monic, na kasalukuyang nursing student na pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at hilig sa anime at performing. Kumukumpleto sa grupo si Anna Penny, ang 18-year-old na anak ni Weng na into cosplay, anime, at online gaming.

Abangan ang masayang pagtatapos ng month-long four-ever ang tawa at four-ever ang saya anniversary ng Family Feud ngayong March 27, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud!

Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.