
Due to insistent public demand, magkakaroon ng Day 2 ang reunion concert ng iconic all-female dance group na Sexbomb Girls na pinamagatang Get Get Aw! The Sexbomb Concert matapos ma-sold out ang una nilang show na gaganapin sa December 4 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Inanunsyo ito ng lider ng grupo na si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram account, kalakip ng isang video na nagpapakita na sumasayaw sila sa harap ng MOA Arena. Magaganap ang ikalawang araw ng concert ng Sexbomb Girls sa December 9 sa nasabing venue sa Pasay City.
Sulat ni Rochelle sa caption, "Heto na ang sagot namin sa hamon n'yo!
"Dahil sa dami ng nag-request at naghahanap pa ng tickets, 'eto na!
"Sa MOA Arena naman kami makikipag-showdown! Lalaban ba kayo ulit?
"rAWnd 2 ng Get Get Aw! The Sexbomb Concert sa MOA Arena sa December 9!!
"Tickets will be available soon sa SM TICKETS!"
Makakasama ni Rochelle sa concert ang kapwa niya original members ng Sexbomb na sina Aira Bermudez, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan, at iba pa.
Ididirehe ni John Prats ang Get Get Aw! The Sexbomb Concert, na mula sa produksyon ng NY Entourage Productions.
RELATED CONTENT: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever