GMA Logo Sexbomb girls in Its Showtime
Photo by: @itsShowtimeNa (X)
What's on TV

Sexbomb Girls, humataw sa 'It's Showtime' studio

By Dianne Mariano
Published November 14, 2025 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Greek firefighters deliver Christmas gifts to the Aghia Sofia Children's Hospital
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sexbomb girls in Its Showtime


Sumayaw, sumunod sa Sexbomb kasama ang 'It's Showtime' family!

Naki-"Get! Get! Aw!" ang madlang people sa pagbisita ng iconic all-girls dance group na Sexbomb Girls!

Nitong Biyernes (November 14), umapaw ang energy at hype sa It's Showtime stage sa muling paghataw ng minamahal na dance group.

Mula paggiling at twerking hanggang sa matinding split, marami ang namangha sa walang kupas na talento at charisma ng Sexbomb Girls.

Hindi lang studio audience ang natuwa, pati ang madlang onliners ay sabik sa mini-reunion ng grupo.

"Isang malaking karangalan na binisita tayo ng iniidolo natin. Bata pa lang tayo noon..." hirit ni Jhong Hilario.

"Karga ako ni Tyang Amy noon, pinapanood namin dati 'yung Daisy Siete," biro naman ni Vhong Navarro.

Dagdag pa niya, "Pero hindi, maganda makita nag-reunion kayo. I'm sure hindi lang kayo magsasayaw, dahil kumpleto kayo, marami pa silang aabangan sa concert niyo sa December 4."

Ayon sa grupo, matagal na nilang gustong muling magsama sa dance floor. Kaya naman labis ang kanilang tuwa na matuloy na ang kanilang concert.

"Matagal na namin ito pinaplano. Years, wala namang 10, pero before pandemic pa plinano na namin," pahayag ni Rochelle Pangilinan.

Syempre, hindi kumpleto ang kanilang pagbabalik kung wala ang iconic performance ng “The Spageti Song.” Kasama ang hosts at madlang people, masaya at nostalgic na sinayaw ng Sexbomb Girls ang signature steps na may kasamang fun mini dance showdown!

Ang "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert" ay gaganapin ngayong December 4, sa Araneta Coliseum.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Tingnan ang sisterhood moments ng Sexbomb Girls, dito: