GMA Logo Sexbomb Girls in Family Feud
What's on TV

Sexbomb Girls, ipakikita ang husay sa pagsagot at pagsayaw sa 'Family Feud'!

By Maine Aquino
Published December 2, 2025 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Sexbomb Girls in Family Feud


Narito ang mga exciting na magaganap sa pagbisita ng Sexbomb Girls sa 'Family Feud' ngayong December 2!

Fun and explosive Tuesday ang aabangan sa Family Feud dahil maglalaro ang iconic Sexbomb Girls!

Magsasama-sama muna sa Family Feud stage ngayong December 2 ang isa sa mga beloved dance groups ng bansa bago ang kanilang highly anticipated sold-out reunion concert.

Bago simulan ang survey battle, mapapanood muna ang high-energy special dance performance ng Sexbomb Girls. Ito ang kanilang pasilip para sa kanilang big reunion show.

Maglalaro sa Sexbomb ang isa sa "OG" and senior members, at isa rin sa famous Zumba instructors sa bansa na si Jopay Paguia. Makakasama niya this fun Tuesday tapatan ang businesswoman na si Sandy Tolentino, ang zumba enthusiast na si Jhoanna Orbeta, at ang businesswoman na si Mhyca Bautista.

Mula naman sa "Get, Get, Aw!" ang isa pang "OG" member at kilalang "Dancing Warrior" of the Philippines na si Airah Bermudez. Kasama niyang magpapakita ng husay sa Family Feud stage ang kapatid ni Sandy na si Cheche Tolentino Genove; ang concert producer na si Cynthia Yapchingco, at ang professional make-up artist na si Jacky Rivas.

Celebration ng legacy ng Sexbomb Girls ang aabangan sa Family Feud ngayong December 2, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: