
Dumulog sa NBI Cybercrime Division ang SexBomB members na sina Grace Nera, Aira Bermudez, at Jopay Paguia para magpatulong na matunton ang basher na nanggugulo sa kanila.
Anila, sanay na raw sila sa mga natatanggap na negatibong komento sa social media bilang mga celebrity, ngunit hinala raw ng tatlo ay iisang tao lamang ito na gumagamit ng iba't ibang fake social media accounts.
“Kaya kami lumapit sa NBI kasi para 'yung mga fake account na ginagawa para lang malaman natin kung sa kanya talaga nanggagaling lahat. Kasi sobra na 'yung ginagawa niya like may connection na sa family namin,” lahad ni SexBomb Aira nang makapanayam ng 24 Oras.
Ayon naman kay Grace, may isang “fan” daw na nagprisinta at nagsabing kilala niya raw ang nasabing basher. Ituturo niya raw itong mahuli ngunit ang kapalit ay papasok siya bilang kasambahay niya.
Ang pagkakamali raw niya ay pinatuloy niya sa kanyang bahay ang naturang “fan” dahil naawa siya rito.
Ngunit kalaunan ay nadiskubre niya ang pagpapanggap nito nang tawagan niya ang number ng basher.
“Isang araw pina-ring ko 'yung phone. Sakto, nag-ring 'yung phone niya. Tapos nakita ko 'yung hitsura niya na gulat na gulat siya. Kinabukasan, umalis siya nang hindi nagpaalam sa 'kin,” kwento ni Grace.
Dito na raw nagsimula ang mas matinding panggugulo sa kanilang tatlo gaya ng paggamit ng kanilang mga pangalan para sa ilang online transactions.
O-order umano ng cash on delivery ang taong ito at ipadadala sa kanilang mga bahay.
Kaya mensahe ni Jopay sa basher na ito, “Kung sa tingin mo nalilinlang mo kami, naloloko mo kami, napapaikot mo kami, ang batas hindi mo mapapaikot 'yan. Tandaan mo 'yan. Mahuhuli at mahuhuli ka kahit ilang aacount pa ang gamitin mo.”
Dahil sa sinapit, pinaalalahanan nila ang publiko na 'wag basta magtitiwala sa iba
Panoorin ang ulat ng 24 Oras dito:
Samantala, na-miss nyo na ba ang Sexbomb Dancers? Narito ang ilan sa kanila na certified mommies na ngayon: