
Isa sa mga pinaka iconic at unang girl group sa bansa ang SexBomb Girls. Kaya naman, maraming kumpanya at events ang kumukuha sa kanila. Ngunit dahil hati ang grupo (na sa kabuuan ay may halos 50 members) sa dancers at singers, may mga pagkakataon na hindi nakukuha ang ilan sa kanila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 28, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Aira Bermudez at Aifha Medina kung nagkakaroon ba ng selosan sa grupo sa mga ganitong pagkakataon.
Sagot ni Aifha, “Meron po, meron po. Actually, hindi po 'yan maaalis.”
Sabi ni Aira, ipinaliwanag naman sa kanila ng kanilang manager na si Joy Cancio na hindi naman siya ang namimili ng ipapadala sa mga projects or events. Sa halip, ang namimili ay ang kumukuha ng proyekto.
“Kumbaga ang ginagawa po kasi ni Ate Joy, since madami po kami, nilalatag niya po 'yung names and pictures ng mga SexBomb. So sila na po 'yung namimili doon,” sabi ni Aifha.
Pagbabahagi naman ni Aira, hati ang SexBomb sa dancers at singers. Sa dalawa, madalas first in line ang huli na pinapadala sa mga events at projects dahil sa pagiging singers nila.
“Tapos kunwari, 'Si Aira, we need Aira, we need Cheche,' o kunwari si Aifha, siyempre 'yung ibang girls, hindi nabibigyan ng trabaho,” pagbabahagi ni Aira.
Paglilinaw ng dating SexBomb dancer, hindi naman nagkulang sa kanila si Miss Joy dahil bukod sa regular na noontime show kung saan sila house dancers noon, binibigyan pa rin sila ng iba pang proyekto sa labas ng naturang show.
“Masyado kaming maraming trabaho, but when it comes to special work na talagang 'yun po, may mga priority,” sabi ni Aira.
Panoorin ang panayam kina Aira at Aifha dito:
BALIKAN ANG SISTERHOOD NG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO: