GMA Logo SexBomb Girls
Source: rochellepangilinan (IG)
What's Hot

SexBomb Girls, nakarating na ng Hawaii para sa kanilang world tour

By Mark Joseph F. Carreon
Published May 8, 2026 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - President Bongbong Marcos press conference (May 8, 2026) | GMA News
What is hantavirus?
Farm to Table: Ultimate food adventure with Buboy Villar, Tito Abdul, and Tito Marsy!

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls


Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang kanilang paglipad patungong Hawaii para sa susunod na leg ng world tour ng SexBomb Girls!

Ipinasilip ng SexBomb Girls leader at Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram ang paglipad ng kanilang iconic group patungong Hawaii. Ito ay bahagi pa rin ng world tour para sa kanilang matagumpay at pinipilahang reunion concert na Get Get Aw!

Sa naturang post, ibinahagi ni Rochelle ang isang selfie kasama ang mga kapwa miyembro habang nasa airport dito sa Pilipinas.

Bakas ang excitement sa grupo habang naghahanda para sa kanilang flight patungong Honolulu, kung saan gaganapin ang kanilang show ngayong Biyernes, May 8, sa Hilton Hawaiian Village.

“Airport na us! HAWAII!! Ready na ba kayo?! #SBGWorldTour,” sulat ni Rochelle sa caption ng kanyang post.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Matapos ang kanilang flight, muling nagbahagi ang SexBomb leader ng isang larawan kung saan makikita ang saya ng buong grupo sa kanilang pagdating sa naturang estado ng United States.

Bakas din ang galak sa mukha ng mga miyembro at ng kanilang buong team habang suot ang mga tradisyunal na Hawaiian flower necklaces o “lei” bilang pagsalubong sa kanila.

“Just landed Hawaii!!,” ani Rochelle.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Sa isa pang video na ibinahagi ni Rochelle, ipinasilip niya ang masayang bonding ng buong Get Get Aw! team habang naghihintay sa loob ng airport sa Hawaii.

Kitang-kita ang kulitan at pananabik ng mga miyembro, lalo na't nasa susunod na destinasyon na sila ng kanilang pinapangarap na world tour.

Ang concert sa Hawaii ay isa lamang sa mga inaabangang stop ng SexBomb Girls sa kanilang makasaysayang Get Get Aw! world tour.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Matatandaan din na sa isang episode ng It's Showtime kung saan nag-guest at nag-perform ang grupo, na-manifest ito ng leader na si Rochelle Pangilinan matapos siyang tanungin kung ano ang nilu-look forward nila sa taong 2026.

“Ang tingin ko na ilu-look forward namin at ng buong SexBomb is 'yung siguro world tour,” sagot ni Rochelle.

Ayon pa kay Rochelle, pinapangarap niya na makabisita ang grupo sa mga bansang Dubai, Australia, USA, at Canada.

Related Gallery: SexBomb Girls light up Aranets with nostalgic Get,Get Aw reunion concert