GMA Logo SexBomb Girls
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

SexBomb Girls, pangarap magkaroon ng world tour

By Karen Juliane Crucillo
Published January 6, 2026 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says US needs to own Greenland to deter Russia, China
Faithful, visitors urged to wear proper attire at Basilica
Brandon Espiritu recommends these stress-relief activities

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls


Ready na ang SexBomb Girls sa kanilang 'rAWnd 3' ng 'GET, GET, AW' concert!

Todo hataw at energy ang sumalubong sa madlang people ngayong Martes (January 6) sa fun noontime program na It's Showtime!

Napa-“Get, Get Aw!” ang lahat nang nag-perform ang paboritong Pinay group na SexBomb Girls.

Nostalgia ang dala ng icons nang kinanta nila ang hits na "Pretty Little Baby," "Di ko na Mapipigilan," at "Crush Kita."

Marami rin ang natuwa sa kulitan at kwentuhan ng SexBomb Girls kasama ang It's Showtime hosts, lalo na ang minanifest ni Rochelle Pangilinan.

"Ano naman ang ilu-look forward ninyo this 2026?" tanong ni Jhong Hilario.

"Ang tingin ko na ilu-look forward namin at ng buong SexBomb is 'yung siguro world tour," sagot ni Rochelle na ikinatuwa ng lahat.

"At makita namin [ang] mga Pilipino sa iba't ibang parte ng mundo," dagdag niya.

Base sa kanyang nararamdaman, maganda raw bumisita ang grupo sa mga bansang Dubai, Australia, USA, at Canada.

Pero bago ang pinapangarap na world tour, excited na ang SexBomb Girls sa kanilang nalalapit na "rAWnd 3" ng "GET, GET, AW" concert.

"This time 360-degree ang stage. Kaya naman bawat seat po ay centered view siya," tease ni Monic Diamante.

Gaganapin ang "GET, GET, AW! rAWnd 3" concert sa Mall of Asia Arena, ngayong February 6. Available na rin ang concert tickets sa SM Tickets online.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang masaya at nostalgic highlights ng 'Get, Get Aw!' reunion concert, dito: