GMA Logo Sexbomb Girls
What's Hot

Sexbomb Girls, pinasaya ang fans sa bagong dance video

By Marah Ruiz
Published November 16, 2025 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sexbomb Girls


Pinasaya ng Sexbomb Girls ang kanilang fans sa isang bagong dance video.

Isang bagong dance video ang handog ng iconic girl group na Sexbomb Girls sa kanilang mga fans.

Suot ang magkakaternong black boots at "I'm your Sexbomb" tops, sumayaw ng grupo sa kantang "CHANEL" ni South African singer and songwriter Tyla.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Tila patikim ito sa kanilang upcoming reunion concert.

Pinamagatang "Get, Get Aw! The Sexbomb Concert," nakatakda itong itanghal ngayong December 4 sa Araneta Coliseum.

Mabibili ang tickets sa TicketNet sa halagang P7,500 (SVIP), P5,500 (VIP), P4,500 (Patron), P3,500 (Lower Box), P1,500 (Upper Box), at P500 (General Admission).

Sa isang nakaraang interview para sa 24 Oras, ibinahagi ni Sexbomb Girls member Mia Pangyarihan kung paano natuloy sa wakas ang reunion concert na laging nire-request ng kanilang mga tagahanga.

"Every Christmas party, lagi namin siyang pinag-uusapan, lagi namin siyang pinakukuwentuhan. Until this year talaga, actually last year no, nag-usap na tayo. Sabi niya (Rochelle Pangilinan), 'Tara na,'" kuwento ni Mia.

Naging bukas naman sa ideya ng isang reunion concert ang mga miyembro, kahit yung mga hindi na aktibo sa showbiz.

"Ang daming pagkakataon na gustong mabuo ito, ang grupo, pero ngayon lang talaga dahil sa dahil number one, sila. Sila talaga 'yung kumontak sa amin para gawin na natin 'to. Kasi tumatanda na ko eh. Ayan ah, hindi ko na sinabing kayo. Tumatanda na ko eh, baka hindi na 'ko makapag-split," lahad ni Weng Ibarra.

Bukod sa treat para sa kanilang fans, gusto ni Sexbomb Girls leader Rochelle na makilala rin ng mga mas batang henerasyon ang kanilang grupo.

"Sana 'yung legacy na iniwan ng SexBomb nung 2000s, na kasabay namin ang mga millennials, ay maipasa sa Gen Z hanggang Gen Alpha," aniya.

SAMANTALA, SILIPIN DIN ANG MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN NG SEXBOMB GIRLS DITO: