
Muling nagsama-sama ang mga miyembro ng iconic girl group na SexBomb Girls para ipagdiwang ang kanilang matagumpay ng three-night sold-out reunion concert noong February 6 , 7, at 8 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagkaroon sila ng after-party at dinner meeting kung saan kasama nila ang kanilang mga partner, gaya ng asawa ni Sunshine Garcia na si Bulacan Vice-Governor Alex Castro at asawa ni Jopay Paguia na si Joshua Zamora, para magpakita ng suporta.
Sa Instagram post ni Sunshine noong Lunes, February 16, ipinost niya ang kanilang mga larawan mula sa kanilang salo-salo.
Sulat niya sa caption, "Last night ganap. Dinner meeting with SB Girls. Syempre kasama ang mga hubbies."
Kabilang din sa mga dumalo sa after-party ang mga mister nina Jacky Rivas, Evette Pabalan, Mae Acosta, Mhyca Bautista, Jovel Palomo, at Danielle Sheen Hartmann.
Nag-post din si Aira Bermudez ng larawan mula sa kanilang intimate gathering. Sabi niya, "Sexbomb x Sexbomb Papa."
Samantala, inanunsyo ng grupo na magkakaroon ng "rAWnd" 6 ang kanilang concert due to popular demand.
Bukod pa riyan, nakatakda rin silang mag-show sa UAE sa Marso at sa USA sa Mayo.
RELATED GALLERY: Ilang orig SexBomb Girls, mommies na ngayon!