What's Hot

'Sexbomb' Rochelle Pangilinan talks about GMA 7’s new shows

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 20, 2020 10:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



GMA News: 'Sexbomb' Rochelle Pangilinan talks about GMA 7’s new shows
Nalula raw ang 'Sexbomb' dancer na si Rochelle Pangilinan sa laki ng papremyo sa special game show ng GMA 7 na Spin It, Win It! At ipinamalaki rin niya ang bagong reality show sa Kapuso Network na . starsSpin It, Win It!, ang special game show na ginawa para sa mga Kapusong manonood para sa 68th anniversary ng GMA 7. “Ang laki ng premyo ha…nag-aagawan nga kami, sabi ko nga sana kami rin," biro ni Rochelle sa panayam ni Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. “Maganda kasi rito mag-i-spin ka lang may price ka na at kung sino yung Kapusong artista yun ang mag-i-spin," kuwento pa niya sabay garantiya na nakaka-enjoy ang game show. Ipinagmalaki rin ni Rochelle ang bagong show ng 'Sexbomb' ang Danz Showdown, kung saan ang mananalo ay kukunin nilang miyembro ng sikat na dance group. Mataas daw ang production value nito at talagang hanga sila sa mga sumasali dahil pinaghahandaan daw ng husto ang mga contestant ang kanilang mga gagawin para ipakita ang husay nila sa pagsayaw. “Isa naman akong ano dun, umaatikabong judge kasama ko si Tita Maribeth na siyempre isa pipili sa dapat bang pumasok na bagong 'Sexbomb,'" idinagdag niya. Bukod sa nabanggit na dalawang shows, napapanood si si Rochelle sa Sunday variety show ng Kapuso na Party Pilipinas. Sa sobrang busy ng kanyang schedule, may time pa kaya si Rochlle sa kanyang love life? “Tama na muna. May time naman para doon, kaya naman kung saka-sakali, kung gugustuhin ko. Kaya lang mahirap na, sa panahon ngayon maraming trabaho e," paliwanag ng very single ngayon na si Rochelle. –FRJimenez, GMANews.TV Pag-usapan sina Sexbomb Rochelle sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Sexbomb Rochelle. Just text ROCHELLE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) ROCHELLE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.