
There's more reason to stay at home ngayong Sabado ng gabi dahil mangyayari na ang inaabangan ninyong guesting sa Daddy's Gurl for 2020!
LOOK: Sexy Hipon meets phenomenal star Maine Mendoza
Abangan ninyo ang Wowowin host at tinaguriang “Sexy Hipon” na si Herlene Budol sa paboritong sitcom ng bayan.
Walang tigil kayong patatawanin ni Sexy Hipon bilang si Josefina o Fiona, ang pamangkin ni Barak (Vic Sotto)!
Ano ang mangyayari sa Batangueño cousin ni Stacy (Maine Mendoza) kapag na-meet nito ang “terror boss” niyang si Sir Lance (Oyo Sotto)?
Piliing mag-bonding with the whole family at tutukan ang ultimate crossover ni Herlene Budol sa Daddy's Gurl on January 25, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.