GMA Logo herlene budol and pia wurtzbach
Source: herlene_budol (Instagram)
What's Hot

'Sexy Hipon' Herlene Budol meets Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

By Jimboy Napoles
Published June 14, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol and pia wurtzbach


Ano kaya ang nangyari sa pagkikita ng beauty queen aspirant na si Herlene Budol at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach? Alamin DITO:

Feeling inspired ngayon ang young comedienne actress at Binibining Pilipinas candidate na si Herlene Budol a.k.a. 'Sexy Hipon' dahil sa pagkikita nila ng beauty queen turned actress na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa Instagram, ibinahagi ni Herlene ang kanyang kasiyahan na makita sa personal ang idolo.

Aniya, "Isang malaking karangalan po para kay Hipon Girl niyo makasama si Ate Pia. Nakaka-motivate at inspirIng ang journey niya sa beauty pageant at hanggang ngayon kahit naging successful na siya ay nananatili pa rin ang kanyang kababaang loob. Isa kang tunay na huwaran Ate Pia."

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sa hiwalay na post, masayang ibinahagi ni Herlene ang kanyang mensahe para kay Pia.

"Ate Pia, thank you sa mga word of wisdom mo para sa pangkalahatan ng batch namin sa Binibining Pilipinas 2022," ani Herlene.

Ayon pa kay 'Sexy Hipon,' mas naging motivated siya na manalo ngayon dahil sa narinig na inspiring journey ni Pia.

"Sobra po ako na-inspire doon sa never give up on your dreams! Masarap sa pakiramdam kung araw-araw may natutunan tayo sa lahat na bagay kapag may ipinaglalaban ay matutupad. Salamat po ng sobra. Saludo po ako sa husay at galing mo Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach," dagdag niya.

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo ni Herlene ang pagpanaw ng kanyang lola na si Nanay Bireng na siyang nagpalaki sa kanya at pinagkukuhaaan niya ng lakas. Umaasa si Herlene na maisasama niya sana ang namayapang lola sa Binibining Pilipinas 2022 Coronation NIght.

Samantala, mas kilalanin pa si Herlene 'Sexy Hipon' Budol sa gallery na ito: