
Napaiyak ni Alex Gonzaga si “Sexy Hipon” Herlene Budol nang biktimahin niya ito sa isang prank.
Inimbita ni Alex si “Sexy Hipon” na bumisita sa kanilang buhay upang mag-swimming. Ang hindi alam ni Herlene, ito na pala ang simula ng prank ni Alex dahil plano niya talaga itong dalhin sa mall.
Ani Alex, “Magmi-meet kami pero ang sinabi ko sa kanya, magsi-swimming kami. Pero makikita n'yo naman 'yung swimming pool namin hindi puwede 'di ba. Nakapang-swimming outfit siya pero dadalhin ko ngayon siya sa mamahaling store tapos ililibre ko siya. Gift ko na rin sa kanya 'yun pero ipa-prank natin siya. Pababayarin natin siya para tingnan natin kung maiyak din siya.”
Ibinili ni Alex si si Herlene ng designer bag at shoes at habang binabayaran pa lang ang items ay naiyak na sa saya si "Sexy Hipon."
Wika ng huli, “Hindi ko alam na magkakaganyan ako.”
Mabilis namang nabawi ang tuwa ng dating Wowowin co-host nang bigla na siyang singilin. Paliwanag kasi ni Alex ay lumagpas sila sa budget at kailangang bayaran ni Herlene ang sobra.
Dahil dito, halos mag-panic si “Sexy Hipon.” Inalok niyang ibalik ang sapatos at nang hindi raw ito puwedeng gawin, naisip din niyang mangutang muna. Naiyak na rin siya, nagpasundo na sa kanyang kaibigan, at dito na ini-reveal ni Alex ang kanyang ginawang prank.
Panoorin:
Sa huli, totoong iniregalo ni Alex kay “Sexy Hipon” ang designer items, at dahil dito ay masayang-masaya si Herlene.
Biro pa niya sa kanyang Facebook post, “Mahal na kita mahal binili mo sa'kin e. Mas mahal pa sa bahay namin aba! Charot lang. Katulungin mo'ko isang taon 'te. Laban.”
Kilalanin pa lalo si “Sexy Hipon” sa gallery sa ibaba: