
Masayang ipinakita ni Herlene Budol ang Gucci shoes at bag na kanyang natanggap mula kay Alex Gonzaga.
Pero ang unboxing na ginawa ni “Sexy Hipon,” nauwi nga ba sa live selling?
Napanood sa vlog ni Alex ang kanyang ginawang prank kay “Sexy Hipon.”
Una ay pinaniwala niya itong magsu-swimming sila sa kanilang pool. At nang hindi ito matuloy, inaya niya ito sa mall upang bilhan ng luxury items.
Bilang biro, siningil ni Alex ang dating Wowowin co-host para sa sumobra sa budget ng kanilang pinamili.
Agad din naman niya itong binawi at ni-reveal na pina-prank lang niya si Herlene.
Dahil dito, maniniwala lang daw talaga si “Sexy Hipon” na niregaluhan siya ng Gucci shoes at bag kapag naiuwi na niya ang mga ito.
Pero pakiusap din sa kanya ni Alex na huwag niyang ibenta ang kanyang mga regalo.
Makalipas ang isang buwan, ngayon lang binuksan ni “Sexy Hipon” ang kanyang yayamaning kagamitan.
Ipinasilip niya sa kanyang unboxing vlog.
Kinarir ni Herlene ang paglalarawan ng kanyang bagong sapatos at bag, at maya-maya'y prinesyuhan ang mga ito.
Ibebenta nga ba niya ang mga regalo ni Alex?
Panoorin ang vlog ni “Sexy Hipon” dito:
Mas kilalanin pa si “Sexy Hipon” sa gallery sa ibaba:
Silipin din dito ang mga mamahaling regalo ng mga artista: