
Digital influencers at world-class champions ang maghaharap ngayong Huwebes sa Family Feud!
Ngayong September 10, maglalaro ang internet personalities na Sexy Babes at ang world-class cue masters ng Team Sharks.
Sa Team Sexy Babes, mangunguna ang artist, dancer, at brand ambassador na si Joy Basa. Kasama niya ang popular content creators na sina Tricia Grace Esparagoza, na mas kilala bilang “SpiderGirl,” April Flores, at Justine Joyce Dayag, a.k.a. “DJ Joyce.”
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakatapat nila ang Team Sharks na pangungunahan ni John Galahad Mariano, o “Hadley,” founder at CEO ng Sharks Billiards Association. Kasama rin niya ang world-ranked 9-ball sensation na si Johann Chua, a.k.a. “Bad Koi,” ang 2012 double-champion na si Jerico Banares, o “Panday,” at ang SBA Season 2 Finals MVP na si Drahcir Mauricio.
Sexy Babes o Team Sharks kaya ang magwawagi? Abangan sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 10, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.