GMA Logo Family Feud
What's on TV

Sexy stars mula '80s, nag-reunion sa 'Family Feud'

Published March 8, 2024 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Isang masayang reunion ng sexy stars noong dekada '80 ang napanood sa Family Feud.

Nagmistulang reunion ng mapangahas na sexy actresses mula sa dekada otsenta ang episode ng Family Feud nitong Huwebes, March 7.

Naglaban sa hulaan ng top answers ang '80s Goddesses at ang Team Manibog.

Ang '80s Goddesses ay binubuo nina Amanda Amores, Cherrie Madrigal, Joyce Sumilang at Aleli Abadilla na nakilala dahil sa kanilang daring roles noong kainitan ng tinatawag na bold movies.

Ang Team Manibog naman ay pinangunahan ng dating sexy star na si Myra Manibog. Kasama niya ang tatlo niyang mga anak, sina Aleksandra Quitalig na isang singer-composer, at ang dalawang members ng bandang Lola Gina na sina Aiki Quitalig at Kevin Romasanta.

Si Amanda, 52, ay isa nang businesswoman habang si Cherrie, 50 ay nagtatrabaho sa local office ng DSWD sa Quezon City. Si Joyce Sumilang naman, 55 ay empleyado sa isang private company habang si Aleli, na eldest sa grupo sa edad na 58 years old ay nagtitinda ng gulay sa Commonwealth Avenue.

Nang hingan ng advice ng game master na si Dingdong Dantes si Amanda para sa mga nagpapaseksing kabataan ngayon, sinabi ng dating aktres na huwag daw munang mai-in love at mag-aasawa ang mga ito hangga't walang ipon.

Ayon naman kay Myra Manibog, hindi raw dapat ikahiya ng mga sexy stars ngayon ang kanilang ginagawa.

Naging mainit ang labanan ng dalawang teams hanggang dulo pero nanaig ang Team Manibog na nag-uwi ng 100,000 pesos. Tumanggap naman ng P20,000 ang napili nilang charity, ang Philippine Animal Welfare Society.

Mas kaabang-abang ang parating na episodes ng Family Feud dahil magdiriwang ng 2nd anniversary ang pinakasamayang family game show sa buong mundo. Malalaking artista ang maglalalaban-laban sa weeklong anniversary special.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.