
Aminado si Shaira Diaz na pressured siyang makatrabaho ang '80s matinee idol na si Gabby Concepcion.
Bukod sa first time nilang magsasama para sa Kapuso series na Love You Two, kinakabahan raw si Shaira dahil may pagka-daring at kakaiba ang kaniyang role dito.
Mai-in love kasi siya sa karakter ni Gabby, na mas matanda sa kaniya ng 20 taon.
"Hanggang ngayon nasa adjusting stage pa ko kasi 'yung mga scene namin ni Gabby ngayon medyo light pa.
“Pero may mga scene kasi na medyo papuntang daring na, so kinakabahan ako ng sobra," bahagi ni Shaira sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Ika pa niya, "May pressure, may kaba, may ilang ng konti.
“May kissing scenes kami ni Gabby, medyo marami siya. Gano'n kabago para sa'kin 'yung role, gano'n s'ya ka-challenging."
May pagka-conservative ang young actress, pero naiibsan daw ang kaniyang hiya kapag ang beteranong aktor na mismo ang gumagawa ng paraan para maging panatag siya.
"Tinutulungan n'ya akong 'wag mailang through joking. Lagi niya akong kinakausap.
“'Yung parang gumagawa din s'ya ng way para mayroon kaming bonding," kwento ni Shaira.
Makakasama nina Shaira at Gabby ang RomCom Queen na si Jennylyn Mercado sa Love You Two, na mapapanood na simula ngayong April 22 sa GMA Telebabad.
Jennylyn Mercado on working with Gabby Concepcion: "Ang swerte ko"