
Isang bagong sport ang idinagdag nina Kapuso couple Shaira Diaz at EA Guzman sa kanilang fitness routine ngayong taon.
Magkasamang sinubukan ng mag-asawa ang pickleball, racket sport na nagsisimula nang maging popular sa Pilipinas.
Photo: ea_guzman (Instagram)
"New Year, new sport 🏓 Pickleball first timers 🙌🏼," sulat ni EA sa Instagram.
Nagbahagi rin siya ng ilang pictures nila ni Shaira sa court.
May sarili ding post si Shaira kung saan may hawak siyang raketa habang nakaupo sa pickleball court.
"New sport unlocked! 🏓," caption naman si Shaira sa kanyang post.
Bukod kina Shaira Diaz at EA Guzman, nahilig din sa pickleball kamakailan ang kapwa Kapuso stars nilang sina Heart Evangelista, Larkin Castor, Alethea Ambrosio, Prince Carlos, Vito Gueco, at Kiel Gueco.
Nagbukas din ng isang malaking pickleball facility sa Rizal si Kapuso actor Bruce Roeland.
RELATED CONTENT: Here's where you can play pickleball around Metro Manila