
Puno ng excitement at pasasalamat ang soon-to-be-married Kapuso couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman.
Maraming blessings ang natanggap nila ngayong taon, lalo na ang kanilang first business venture as a couple.
Nitong Lunes (March 17), kakabukas lang ng kanilang bagong Thai tea shop sa Tropical Avenue, BF Homes, Las Piñas. Talagang dands-on ang Kapuso couple sa kanilang business na minsan sila pa ang nagbabantay rito.
"Parang itinadhana talaga itong business na ito para sa amin. Parang tamang panahon na parang hindi namin masyado na feel 'yung pressure na pagsabayin 'yung business and 'yung wedding plans," masayang ibinahagi ni Shaira.
Hands-on din ang dalawa sa sa kanilang malapit nang kasal ngayong August. Labis na nga raw silang sabik na magpalitan ng kanilang "I do."
"So ngayon, chill-chill lang kami pero syempre excited kasi si Shaira rin talaga hindi na siya makapaghintay na pakasalan ako," biro ni EA.
Samantala, abala si Shaira sa taping ng Kapuso Prime series na Lolong: Bayani ng Bayan. Marami raw dapat abangan dito dahil mas magiging intense ang istorya at action scenes.
Focus naman si EA sa kanyang fitness journey at may exciting comeback ang Kapuso hunk sa summer fashion runway.
Tingnan ang heartwarming moments sa opening day ng milk tea shop nina Shaira Diaz at EA Guzman dito: