
Puno ng saya at excitement ngayong araw, August 14, sina Shaira Diaz at EA Guzman dahil gaganapin na ang kanilang pinakahihintay na kasal!
Sa isang exclusive access ng Unang Hirit, ipinasilip ni Shaira ang kanyang wedding preparations bago ang kanilang seremonya. Ayon sa kanya, alas dos ng madaling araw na siya nakatulog dahil sa dami ng kailangang ayusin.
"Tinapos ko po kasi 'yung vow ko, nagsulat talaga ako," kuwento ng bride-to-be. "Tapos bukod talaga doon, may pinaghahandaan talaga ko. 'Yung lagi nating pinagkukwentuhan diyan, 'yun na lang."
Masaya ring ibinahagi ni Shaira ang detalye ng kanyang bridal look, na aniya'y may kaugnayan sa kanilang prenup video at photos.
"Medyo may pagka Korean dreamy look, pero basta gusto ko clean look lang, Fresh, siyempre nandyaan, glowing tayo dapat buong magdamag," ani Shaira.
Bagaman hindi nila nasubukan ang paglalakad sa aisle, nag-ensayo naman daw sila ni EA para sa kanilang first dance.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakaaabangan ni Shaira ay ang sandaling masilayan ang kanyang groom sa altar.
"Sobrang, sobrang excited na kong makita si [EA] siyempre. I hope hindi ako maiyak pero hindi ko 'yan ma-promise sa sarili ko kasi ang tagal namin hinintay ito siyempre. Ito 'yung most awaited moment naming dalawa," pahayag niya. "Sobrang excited na ko matawag siyang my husband."
Bago magtapos ang panayam, nagbigay si Shaira ng isang matamis na mensahe para sa kanyang soon-to-be husband:
"Mahal na mahal kita alam mo 'yan and I'm so excited na makita ka mamaya sa aisle syempre. I can't wait to marry you. I can't wait to be Mrs. Guzman. Sa'yo lang ako forever, mahal na mahal kita."
Matatandaang noong 2021 pa engaged sina Shaira at EA.
Kamakailan, ipinasilip nila ang kanilang love story sa isang K-drama feels prenup video kung saan ibinahagi nila ang mga pagsubok at pagdududang hinarap sa loob ng kanilang 12-year relationship. Kasama na rin sa video ang mga taos-pusong mensahe nila para sa isa't isa.
Silipin ang dreamy prenuptial photos nina Shaira Diaz at EA Guzman sa South Korea, dito: