Celebrity Life

Shaira Diaz at EA Guzman, tatlong beses nag-prenup shoot

By Marah Ruiz
Published June 8, 2025 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

shaira diaz and ea guzman


Bukod sa South Korea, may prenuptial shoots sina Shaira Diaz at EA Guzman sa Pilipinas.

Dalawang buwan na lang bago ang nakatakdang kasal ng celebrity couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman.

Abala na silang dalawa sa mga natitira pang paghahanda para dito.

Isa na diyan ang prenuptial shoot nila na ginawa kamakailan sa Quezon City. Bago nito, nag-shoot na rin sila ng iba pang set ng prenuptial photos at videos as South Korea.

"Sobrang magical for me kasi it's a one day shoot. Parang Koreanovela, 'yun talaga 'yung peg namain kasi si Shaira nga is talagang fan ng mga K-drama. 'Yun talaga 'yung gusto niya," paggunit ni EA.

Ayon kina EA at Shaira, tatlong beses silang nag-prenup shoot at excited na silang ipasilip ito sa kanilang mga mahal sa buhay, pati na sa kanilang mga tagahanga.

Nakatakda namang bumalik si Shaira sa South Korea para personal na kunin ang wedding dress na ipanagawa niya doon.

"Susunduin ko siya. Gusto ko nang sunduin sa Korea kaysa i-ship kasi baka magkaroon ng delays. Nako, patay! Wala talaga tayong susuutin pa. 'Yun pa lang naman, babalik ako sa Korea para sure," paliwanag niya.

NARITO ANG ISANG PASILIP SA PRENUPTIAL SHOOT NINA SHAIRA DIAZ AT EA GUZMAN SA SOUTH KOREA:

Samantala, hindi naman daw mawawala ilang mahahalagang tradisyon sa kasal nila.

"Gusto ko, ilakad ako ng parents ko, ihatid talaga 'ko ng mom and dad ko, especially my dad. 'Yun din 'yung promise din ni Edgar sa kanya, na ito, ilalakad ko 'yung anak niyo. Hindi ko siya lolokohin. Finally, tuloy na tuloy na talaga 'yung wedding," lahad ni Shaira.

Isang espesyal na regalo din ang ihahatid ni EA kay Shaira sa mismong araw ng kanilang kasal.

"'Yung sinulat kong kanta for her 10 years ago, ngayon tapos ko na siyang i-record. 2015 ko siya sinumulan. It's my original composition. Sinulat ko 'yun. 'Yung lyrics noon is about our love story--paano kami since day one, nagkita, hanggang sa promise ko sa kanya," bahagi ni EA.

Ito raw ang masisilbing soundtrack ng kanilang wedding day.

Nakatakdang ikasal sina Shaira at EA sa August 2025 sa Silang, Cavite.

Na-engaged ang Kapuso couple noong 2021 at 12 years nang magkarelasyon.

Related gallery: EA Guzman at Shaira Diaz, binalikan ang kanilang engagement sa Fast Talk with Boy Abunda: