GMA Logo Shaira Diaz at Kokoy de Santos
What's on TV

Shaira Diaz at Kokoy de Santos, ipinakilala ang mga karakter sa 'Ikaw si Ako, Ako si Ikaw'

By Marah Ruiz
Published September 30, 2021 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz at Kokoy de Santos


Isang kuwento tungkol sa body switching ang bibigyang-buhay nina Shaira Diaz at Kokoy de Santos sa "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw."

Excited na raw sina Kapuso stars Shaira Diaz at Kokoy de Santos na maibahagi ang upcoming telemovie na "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw."

Ito ang pang-apat na kuwento ng weekend anthology series na Regal Studio Presents, at unang offering sa bagong timeslot nito tuwing Linggo, 4:35 pm, simula October 3.


Ibinahagi nina Shaira at Kokoy ang istorya ng mga karakter na gagamapan nila sa episode sa ginanap na Kapuso Zoomustahan ngayong September 29.

"Ako dito si Janice. Si Janice kasi medyo may mga pangangailangan, matinding pangangailangan. Medyo mafo-force siya rito na gawin ang lahat kahit pa medyo masama, para lang makausad siya sa buhay," kuwento ni Shaira.

Ang karakter ni Shaira na si Janice ay isang nursing student na nagtatrabaho sa isang coffee shop. Dahil kulang pa rin ang kinikita, mapipilitan siyang magkunwari bilang representative ng pekeng charity para makakuha ng mga donasyon.

Makikilala ni Janice si Marco, ang karakter na gagamapan ni Kokoy at isang 'di inaasahang pangyayari ang babago sa kanilang mga buhay.

"Basically magkakapalit kami ng pagkatao. Ako naman, gagampanan ko si Marco na playboy, mahilig mambabae. Photographer ako dito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-meet ko dito si Janice, ito ngang si Shaira. [Ang] dami ko pa sanang gustong i-kuwento, kaya lang baka ma-spoil ko. Hanggang doon na lang," lahad ng aktor.

Ano ang matutunan nila sa pagkakapalit ng kanilang mga buhay? Makakabalik pa ba sila sa kanilang mga katawan?

Abangan ang "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw" sa bagong timeslot ng Regal Studio Presents, tuwing Linggo simula October 3, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.