
Ngayong parating na August na ang kasal ng Kapuso stars na sina Shaira Diaz at EA Guzman.
Ayon kay Shaira, patuloy ang preparasyon nila para dito.
"Going smooth, ine-enjoy ko lang every step ng preparation. Ayokong ma-stress, ayokong maaligaga. Isa-isa lang, pero excited na excited na talaga kami sa big day," bahagi niya sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Nakatakda nang sunduin ni Shaira ang kanyang wedding gown na ipinagawa sa South Korea.
Nai-record na rin ni EA ang isang awit na isinulat niya 10 years ago para kay Shaira na siyang gagamitin nilang soundtrack sa kanilang wedding day.
Natapos na rin nila ang tatlo nilang prenuptial shoots na kinunan dito sa Pilipinas at abroad.
SILIPIN ANG ROMANTIC PRENUPTIAL SHOOT NINA SHAIRA DIAZ AT EA GUZMAN SA SOUTH KOREA DITO:
Ibinahagi din ni Shaira ang ilang malalaking plano niya matapos ikasal.
"Baka mag-lie low muna ako sa pagtanggap ng taping kasi gusto ko ilaan lahat ng oras ko muna kay EA. Gusto kong maging mabuting wife sa kanya, mabuting partner," paliwanag ni Shaira.
Photo: shairadiaz_ (Instagram)
Bukod dito, plano na rin daw nilang bumuo kaagad ng pamilya.
"At the same time, gusto ko rin alagaan 'yung health ko dahil gusto na naming mag-conceive agad after the wedding. We're not getting younger na rin. Ang mga parents namin nanghihingi na ng mga apo so ayoko nang ipagkait sa kanila 'yun, lalo na may mga edad na rin po sila," lahad ng aktres.
Gayunpaman, bukas pa rin daw si Shaira na tumanggap ng trabaho sa showbiz kung kakayanin ng kanyang sitwasyon.
"Focus muna ko sa family planning namin but for the meantime siguro Unang Hirit lang muna and iBilib. Pero kung may mga projects naman, siguro iwe-weigh natin kung kakakaynin ba ng schedule ko," pahayag niya.
Nakatakdang ikasal sina Shaira at EA sa August 2025 sa Silang, Cavite.
Na-engage ang Kapuso couple noong 2021 at 12 years nang magkarelasyon.