
Nakarating na sa Pilipinas ang wedding dress ni Kapuso actress Shaira Diaz.
Matatandaang ipinagawa niya ito sa South Korea sa designer na si Choi Jae Hoon.
Dumayo si Shaira sa atelier nito sa Gangnam para masukatan at makapili ng disenyo.
Photo: shairadiaz_ (Instagram)
"Kasi sa sobrang love ko ang Korea, ang culture nila. Mahilig ako sa K-drama, K-pop, BTS. So gusto kong something very personal sa akin," kuwento ni Shaira sa isang interview sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa isa pang panayam sa 24 Oras, nabanggit ng aktres na personal niyang susunduin ang gown para makasiguradong makakarating ito sa Pilipinas nang maayos at nasa oras.
"Susunduin ko siya. Gusto ko nang sunduin sa Korea kaysa i-ship kasi baka magkaroon ng delays. Nako, patay! Wala talaga tayong susuutin pa. 'Yun pa lang naman, babalik ako sa Korea para sure," paliwanag niya.
Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, makikitang naging emosyonal ni Shaira nang isukat niya ang wedding gown at veil sa unang pagkakataon.
Naka black and white ang video at mula ulo hanggang braso ang ang kuha para hindi pa ma-reveal ang damit.
"It's so beautiful," sambit ng aktres habang nagpupunas ng luha.
"Tears fell the moment I tried the dress on 04/2025," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Nakatakdang ikasal sina Shaira at EA ngayong parating na August sa Silang, Cavite.
Twelve years na silang magkarelasyon at naging engaged noong 2021.
Lubos ang suporta na naramdaman ni Shaira mula sa kanyang mga kaibigan at dalawang beses pa siyang nagkaroon ng bachelorette party.
SILIPIN ANG BACHELORETTE PARTY NI SHAIRA DIAZ SA BANGKOK, THAILAND DITO: