GMA Logo  Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, ginambala umano ng isang elemento

By Aedrianne Acar
Published June 9, 2024 11:01 AM PHT
Updated June 9, 2024 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

 Shaira Diaz


Shaira Diaz: “Sa bangungot ko sinisigawan ako ng elemento.”

Takot ang naramdaman ng ating Runners bago sumabak sa "Haunted School" mission sa Hongcheon, South Korea sa Running Man Philippines season two na napanood kagabi, June 8.

Nagsimula ang episode sa pagbabahagi ng Runners ng kanilang personal scary stories at talaga naman makapanindig balahibo ang ikinuwento ng Unang Hirit host na si Shaira Diaz sa naging lock-in taping experience niya sa Lolong.

Ikinuwento ng Sparkle host na nagkaroon siya ng nakakatakot na karanasan habang nagti-taping noon sa Quezon dahil isang elemento raw ang nagalit sa kaniya.

Kuwento ni Shaira, “Yung first scene namin sa Lolong 'yung location kasi namin sa gubat talaga. Hindi siya 'yung pinupuntahan dun sa Quezon [Tiaong].

“Tapos dun kami sa gubat talaga, pero bago pa mangyari yun, bawat tulog ko, binabangungot ako sa loob ng tent. Tapos parang 'yung bandang gabi na 'yung taping bed ko basang-basa ng tubig talaga. As in yung tipong igaganun mo siya [motions with her hand]”

Sabat na tanong ni Buboy Villar, “Wala bang tulo sa taas?”

“Yan din ang sinabi nila pero chineck ko talaga lahat sinabi baka may mga nakatapon lang daw, kasi, 'yung pag-angat ko ng bag ko tsaka siya nabasa,” pagpapatuloy ni Shaira.

Dagdag ng aktres, “Yung next na [nangyari] nag-ML (Mobile Legends) ako, habang nag-ML ako kasi natatakot na ako e, sabi kasi ni direk, Nak patingin nga 'yung daliri mo 'yung hinliliit. 'Di ba sa atin kapag hindi pantay 'yung hinliliit may naglalaro talaga.

“So pag-check ni direk Rommel [Penesa] hindi pantay. Super haba nung isa kong daliri.”

“Tapos sabi ko ngayon, sabi ko nagparinig ako, wala lang sabi ko: Ito talaga kapag nabasa, may nabasa pa uli ako ganiyan. 'Pag nabasa uli ako maniniwala na ako sa'yo.”

“So siyempre paghihiga ka sa kama mo 'di ba makikita mo naman kung may dumi or may basa. So, habang nag-ML ako humiga ako.

“'Pag bangon ko may tumutulo dito sa may siko ko, pagtingin ko basa siya.”

Sa mga sumunod na kuwento ni Shaira sa 'Running Man Philippines' ay tila lalong lumala ang nararanasan niyang kababalaghan na umabot sa punto na binabangungot na siya.

Kinailangan din daw niya humingi ng tulong sa isang albularyo.

Lahad niya, “So ngayon si Ate Rocs, si Rochelle [Pangilinan] may Tito siya na healer, so, tinawas niya ako rin. Tinawas niya ako tapos dun sa tawas nakita na may elemento na black, na mabuhok. Na galit na galit sa akin, kasi nabulabog ko raw siya.”

“Sa bangungot ko sinisigawan ako ng elemento. 'Yung mukha talaga nung entity talaga, oo, galit na galit siya!”

“'Yung hindi ko na talaga kaya, kasi umabot na ng 10 days umiiyak na ako. Pagkagising ko araw-araw, talagang umiiyak ako. Sabi ko, hindi ako makatulog talaga kasi ginaganun [make thumping sound] bawat tulog ko.”

RELATED CONTENT: SHAIRA AND ARRA'S BEAUTIFUL FRIENDSHIP

Muli raw naulit ang pangangambala sa kaniya ng elemento at kahit mismo ang co-star niya sa soap na si Arra San Agustin may sarili rin horror story.

Sa sumunod na kuwento ni Shaira, nabasa naman daw ang kaniyang luggage

“Sa gitna niyang bintana, sa baba nun nandoon 'yung maleta ko. Pagtingin ko basang-basa 'yung maleta ko, tapos sinundan ko 'yung basa gumagapang 'yung basa. Tapos, pagtingin ko dun sa blinds may figure… May figure na bilog, bilog siya na may tenga. May ganito shoulder, tapos may katawan talaga.” Pagbabalik-tanaw ni Shaira.

“Natulog si Arra [San Agustin] dun sa dati kong room pati siya nagising ng 3 a.m. Nagising siya kasi 'yung TV [makes static sound] 'yung parang sa 'The Ring' ganun.”

“Nagkaroon ako stiff neck, nilabas pa ako emergency, hindi talaga nila mabalik. Kung ano-ano nangyayari sa akin.”

Samantala, ang video ni Shaira na ikinukuwento ang nakakatakot na karanasan ay umabot na sa mahigit 1.9 million views sa TikTok.

@gmanetwork #RunningManPH2: June 8, 2024 | NAKAKATAKOT NAMAN 'YUNG KWENTO MO SHAIRA! 😭#RunningManPH #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network